Monday, October 29, 2012
Pages: Ligo Na U, Lapit Na Me
Kung hindi lang dahil sa isa sa mga mentor ko ang pumuri nang wagas sa pagsasapelikula nito, hindi ko talaga ito babasahin. Bago lumabas ang pelikula, hindi naman siya naging patok. Bukod pa rito, tunog jejemon ang mismong pamagat ng aklat, at para sa isang taong nagnanais magkaroon ng koleksyon ng mga mahuhusay na akda sa Filipino, parang aksaya lamang ito ng pera at panahon.
Sa pagbuklat ko ng nobelang ito, natuklasan kong tama pala talaga ako. Walang pa-deep, walang pilosopikal, walang pampakilig. Isa lamang itong karaniwang nobelang "coming of age," tungkol sa isang lalakeng ayaw umamin na siya'y in love, isang babaeng walang talagang pakialam sa love, at sa isang tila pag-iibigang walang pinangakong kasiyahan kundi ang pagtambay sa coffee shop at pagkakama ng isa't isa. Sa huli, isa itong nobela ng wagas na pag-ibig na nauwi sa kasawian, subalit isang kasawiang mananatili bilang isang bahagi ng buhay na kailangang magpatuloy at ipagpatuloy.
Subalit higit na mahalaga ba ang tanong ng pagiging kayo, kung ang pagmamahal ay nakikita sa bawat maliit na sandali?
---
Ito pala ang trailer ng pelikula:
Labels:
Books,
Eros Atalia,
Ligo Na U Lapit Na Me,
novel,
Pages
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment